Jeepy Faundo (dark)  vs Kent Ilagan(light) (PBA Images)
Jeepy Faundo (dark) vs Kent Ilagan(light) (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena-Pasig)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

1 n.h. -- AMA Online Education vs. CHE -LU Bar and Grill - SSC

3 n.h. -- Batangas -EAC vs Marinerong Pilipino

5 p. m. Gamboa Coffee Mix -St. Clare vs. Mila”s Lechon

MAKAHULAGPOS mula sa five-way tie na pagkakabuhol sa patas na barahang 1-1 ang tatangkain ng CHE -LU Bar and Grill -San Sebastian sa pagsabak kontra AMA Online Education ngayon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Maghaharap ang Revellers at Titans sa unang laban ganap na 1:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Batangas-Emilio Aguinaldo College at Marinerong Pilipino ganap na 3:00 ng hapon at ng bakbakang Gamboa Coffee Mix -St. Clare at Mila’s Lechon ganap na 5:00 ng hapon.

Galing sa 82-83 pagkatalo sa kamay ng Wangs -Letran, magkukumahog na makabalik sa winning track ang Revellers ni coach Stevenson Tiu upang makaangat at makakalas mula sa pagkakatabla nila ng Go for Gold, Akari, Gamboa at Perpetual Help.

Magsisikap naman ang Titans na makapasok ng winner’s circle upang makaahon buhat sa ilalim ng team standings hawak ang 0-2 marka kasama ng Mila’s Lechon at Batangas-EAC.

Babangon naman mula sa dalawang dikit na pagkadapa ang Marinerong Pilipino sa pagtutuos nila ng Generals.

Matapos ungusan ang Zark’s Burger -Lyceum noong opening day, bumagsak sa sumunod nilang dalawang laban ang Skippers sa kamay ng Akari -Adamson at ng Centro Escolar University.

Kabilang naman sa tatlong winless squads sa ilalim ng standings, pipilitin ng Batangas na makabawi mula sa dalawang sunod na pagkabigo, pinakahuli sa kamay ng Gamboa Coffee Mix - St Clare,81-104.

Samantala sa tampok na laban, tatangkain naman ng Coffee Lovers na maitala angback -to -back wins sa pagsagupa sa Mila’s Lechon ganap na 5:00 ng hapon.