Ni Reggee Bonoan

SA presscon ng My Fairy Tail Love Story, nalinawan na sa wakas kung ano ang totoong kaugnayan ni Kiray Celis sa lalaki na palagi niyang kasama noong nakaraang taon at panay pa ang post ng mga litratong nakakakilig at magkarelasyon lang ang nakakagawa, ang model/actor na si Kirst Viray na napapanood din ngayon sa La Luna Sangre bilang isa sa mga alagad na bampira ni Supremo (Richard Gutierrez).

KIRAY copy

Alam ni Kiray na ilang beses namin siyang tinanong kung ano ang relasyon nila ni Kirst dahil naintriga nga kami sa post nilang kuha sa iba’t ibang lugar, at iisa ang sagot niya: “Kaibigan ko lang po siya, Tita Reggee. Hindi kami mag-ano, malabo po.”

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

May nagtanong sa komedyana sa My Fairy Tail Love Story presscon nitong Lunes kung hiwalay na sila ng binata dahil tumigil na nga posts nila at kung may boyfriend na siya.

“Non-showbiz po... hindi po si Kirst, pakisulat po at napakasaya ko po, masaya po ako,” sagot ng dalagang bulilit.

“Hindi po si Kirst,” dagdag pa niya, “kalimutan na po natin ‘yan dahil hindi ko po talaga siya naging boyfriend, at kahit kailan ay hindi ko po magiging boyfriend. Non-showbiz po ang boyfriend ko.”

Limang buwan na sila ng non-showbiz boyfriend niya. Nagtaka ang reporters sa tila hindi siguradong sagot ni Kiray kung ilang buwan na sila ng boyfriend niya dahil sa terminong, ‘siguro.’

Ginu-good time lang ba ng dalaga ang press?

Ano ang nangyari sa kanila ni Kirst, bakit biglang nawala na ng komunikasyon?

“Si Kirst, magandang kaibigan po si Kirst. Pero noong mga panahong nagsisimula po kami ni Kirst, wala akong projects.

Nakatulong ‘yun sa isa’t isa para mapag-usapan at magkaroon ng mas maraming trabaho. Sa totoo lang, marami ang naging trabaho namin nang mapag-usapan kami, kaya thankful kami sa isa’t isa,” pagtatapat ni Kiray.

Sa madaling sabi, gumimik lang sila.

Kailan naman ipapakilala ni Kiray ang non-showbiz boyfriend niya at sino ito at tagasaan?

“Isa siyang businessman, pagkain, restaurant. Dumating siya na matagal na kaming magkakilala, three years ago.

‘Tapos, hayun, recently lang kami nag-usap masyado. Bigla na lang na, ‘Oppps, puwede pala,” kuwento ng aktres.

Inintriga si Kiray na baka sinyota siya para makatulong sa promo ng restaurant business nito.

“Hindi naman. Ewan ko ba, parang puro na lang gamit. Wala naman siyang makukuha sa akin. I don’t promote nga his restaurant, kasi puro ganyan na lang ‘yung tsismis. Hindi na rin ako pumunta para hindi mukhang pinu-promote ko.

Nagbibigay ako ng ideas sa kanya, tumutulong ako kapag hindi na nakikita ng mga tao,” mabilis niyang sangga.

Hmmm, sapantaha namin ay bagong tayo lang ang restaurant business ng non-showbiz boyfriend ni Kiray dahil nga nagbibigay pa siya ng suggestions para pasukin ito ng tao. Hindi kaya food hub ito somewhere in Quezon City?

Samantala, excited si Kiray dahil napasama siya sa Valentine’s offering ng Regal Films at Idea First na My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador mula sa direksiyon ni Perci M. Intalan.