Ni Liezle Basa Iñigo

Himalang nakaligtas ang isang barangay chairman at kanyang kapatid sa kabila ng 11 bala na ipinaulan sa kanila ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Barangay Cataguing, San Mariano, Isabela.

Sinasabing alitan sa lupa ang dahilan ng pamamaril sa magkapatid na sina Harlye Diolazo, 51, chairman ng Bgy. Cataguing; at Vilma Diolazo.

Dakong 2:30 ng hapon nitong Martes nang magtungo ang magkapatid sa cassava farm at pigilan ng isang pamilya.

Kalaunan ay biglang sumulpot ang mga armado, at kaagad na nagsisakay ang mga biktima sa Toyota Hi-Lux at mabilis itong pinaharurot, habang pinagbabaril ito ng mga suspek.

Probinsya

19-anyos, timbog sa pang-aabuso sa iba pang menor de edad gamit ang Roblox

Nasa 11 tama ng bala ang tumama sa sasakyan, pero himalang nakaligtas ang magkapatid.