Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Desidido si Peñaranda Nueva Ecija Mayor Ferdinand ‘Blue Boy’ Abesamis na pagtibayin ang ordinansa sa kanyang bayan na nagbabawal na dalawa ang sakay sa motorsiklo sa lahat ng oras.

Hiniling kamakalawa ni Abesamis, pangulo ng League of Municipalities of the Philippines-Nueva Ecija Chapter (LMP-NE), sa Sangguniang Bayan (SB), sa pamumuno ni Vice Mayor Joselito Ramos, na mabilisang pag-aralan ang panukala na layuning pigilan ang mga krimen na gawa ng riding-in-tandem criminals o motor-riding suspect.

Aniya, si Sangguniang Bayan Chairman on Peace & Order Committee Arman Abiog ang inaasahang mag-i-sponsor ng panukala sa kahalintulad ng pinairal sa Mandaluyong City sa Metro Manila.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa panukala, isa o tatlo lamang ang papayagang sakay sa motorsiklo.

“Kapag tatlo, mahirap ang maneuverability kung gagamitin sa krimen,” ayon sa alkalde.