Ni NORA CALDERON

PAREHO nang nakakaramdam ng separation anxiety ang magka-love team ng Impostora na sina Kris Bernal at Rafael Rosell ngayong dalawang linggo na lang silang mapapanood sa afternoon prime drama series na patuloy na umaani ng mataas na ratings.

Rafael at Kris copy copy

Final episode na nila sa Pebrero 9 at last taping day pa nila this week. May post si Kris sa Instagram na as early as 4:00 AM ay nasa location na siya dahil 105 sequences ang kailangan niyang tapusin, at most of the scenes ay magkasama sina Nimfa at Rosette, kaya talagang dusa ang mga eksena nila ni Rafael.

Trending

VIRAL: Babaeng bagong panganak, hindi naisipang bilhan ng pagkain ng asawa: 'Sorry lab, sa akin lang to'

“Pero hindi po ako nagrereklamo,” sabi ni Kris. “Nagpapasalamat pa ako sa GMA-7 na binigyan nila ako ng isang naiibang teleserye at pumayag silang pareho kong gampanan ang role nina Nimfa at Rosette matapos gumanda si Nimfa.

Nabawasan lang ng konti ang eksena ko nang pumangit naman si Rosette at si Sheena Halili ang gumanap, sa ilalim ng isang maskara na ginawa ng production. Pero ang dami kong pinagdaanan dito, dahil bukod sa nakasal pa rin kami ni Homer (Rafael), ay nagbuntis pa ako at nanganak.

“Kaya mami-miss ko ang buong cast, salamat na konti lang kami, kaya naging parang isang pamilya talaga kami, sina Tita Elizabeth Oropesa, si Ms. Assunta de Rossi, Aicelle Santos, Vaness del Moral, then sina Rita Daniel, Sheena, Ms. Rosemarie Sonora at Marc Abaya, plus ang dalawang batang gumanap na mga anak ni Rafael.

“Thankful ako kay Rafael na naging close kami talaga dahil most of the time, kami lagi ang magkaeksena. Ang sarap niyang kasama, very supportive. Marami rin akong natutunan sa kanya tungkol sa buhay, dahil malalim na tao si Rafael, sini-share niya ang alam niya sa akin. Sana ay magkasama muli kami sa isasng serye na romantic-comedy naman.”

Nararamdaman din ni Rafael ang mga sinabi ni Kris.

“Siya na yata ang maituturing kong the best leading lady na nakasama ko,” sabi ni Rafael. “Bilib na bilib ako sa husay niyang umarte at ang tibay ng katawan niya lalo na kapag tuluy-tuloy ang mga eksenang ginagawa niya bilang Nimfa at Rosette. Minsan nakakaawa rin siya dahil uuwi na kami, siya nagti-taping pa. Hope din na muli kaming magkasama sa isang project ni Kris.”

Hindi na siguro mapapanood ni Kris ang grand finale ng Impostora dahil aalis siya after ng last taping day nila, para sa vacation niya sa Iceland. Napapanood ang Impostora araw-araw, pagkatapos ng Ika-6 na Utos.