Ni Gilbert Espeña

WALANG ginawa si Mexican WBA No. 10 featherweight Edivaldo Ortega kundi umiwas sa mga pamatay na suntok ni dating interim WBA super flyweight champion Drian Francisco ng Pilipinas para magwagi sa 10-round unanimous decision nitong Linggo sa Municipal Auditorium sa Tijuana, Mexico.

“Ortega imposed his conditions from the first round, connected up to five for one and kept the domination of the pace for most of the fight,” ayon sa ulat ng Boxingscene.com. “He knew that the domain was his, that he was dominating the fight and showed the maturity to be patient, conservative and secured the victory without risking too much.”

“Francisco was constantly on the lookout for his opponent, waiting for any errors in his movements and was always ready to release a big shot,” dagdag sa ulat. “Francisco was often throwing right crosses and left hooks, but he rarely landed.At the end of the ten rounds of the featherweight contest, the judges scored it 96-94 and two cards of 98-92 for Ortega.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mahalaga kay Ortega ang panalo sa harap ng kanyang mga kababayan pero masusubukan siya kapag lumaban na sa ibang bansa tulad ni Francisco na huling natalo sa puntos kay dating WBA super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.

Napaganda ni Ortega ang kanyang rekord sa 26-1-0 na may 12 panalo sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Francisco sa 29 na panalo, 4 na talo na 22 ang pagwawagi sa knockouts.