SALT LAKE CITY (AP) — Natikman ng defending champion Golden State Warriors ang pikamasamang kabiguan – at nagmula ito sa koponan na hindi man lang itinuturing na contender.

Ratsada si Ricky Rubio sa naiskor na 23 puntos at 11 assists para sandigan ang Utah Jazz sa dominanteng 129-99 panalo kontra Warriors nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Naputol ang three-game winning streak ng Warriors sa pinakamasaklap na kabiguan ngayong season.

Naitala naman ng Utah ang three-game win streak sa ikatlong pagkakataon ngayong season.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinangunahan ni Joe Ingles ang hataw ng Jazz sa three-point area para itarak ang 13 puntos na bentahe sa halftime at nahila sa 18 puntos sa pagtatapos ng third quarter. Kumabig ang Aussie star ng career-high six triples para sa kabuuang 20 puntos.

Hataw din sina Derrick Favors sa naiskor na 18 puntos at 10 rebounds, habang kumabig si rookie Donovan Mitchell ng 20 puntos.

Nanguna sa Warriors si Klay Thompson na may 27 puntos, habang tumipa si Kevin Durant ng 17 puntos.

ROCKETS 114, MAGIC 107

Sa Houston, tinanghal si James Harden na unang player sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng 60 puntos sa triple-double performance sa panalo ng Rockets kontra Orlando Magic.

Kumubra si Harden ng 18 puntos sa fourth quarter para lagpasan ang dating record na 57 puntos ni Calvin Murphy sa prangkisa ng Houston noong 1978.

Mula sa 107-all, umarya ang Rockets mula sa anim na sunod na puntos ni Harden may 45 segundo ang nalalabi.

PISTONS 125, CAVALIERS 114

Sa Detroit, ginapi ng Pistons, sa pangunguna ni Andre Drummond na may 21 puntos at 22 rebounds, ang Cleveland Cavaliers.

Hindi na nakapagpatuloy ng laro si Cavs star Kevin Love bunsod ng injury sa kamay at sinamantala ito ng Pistons na makuha ang panalo kahit wala pa ang bagong acquired nilang player na si Blake Griffin.

Nag-ambag si Stanley Johnson ng career-high 26 puntos, habang tumipa sina Reggie Bullock ng 22 puntos para sa Pistons.

Nanguna si LeBron James sa naiskor na 21 puntos sa Cavs.