Ni Lyka Manalo

ROSARIO, Batangas - Arestado ang isang kabilang sa most wanted person dahil sa kinakaharap na kasong may kinalaman sa ilegal na droga sa Rosario, Batangas.

Sa bisa ng arrest warrant, nasakote ng pulisya si Giene Landicho, 46, sa Barangay Poblacion C, sa nasabing bayan.

Nabatid sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes nang maaresto ang suspek sa Barangay Poblacion C sa Rosario.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nahaharap si Landicho sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at pinaglalagak ng P240,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.