MAY kabuuang 317 hinihinalang kaso ng tigdas ang naitala ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health-Region XI simula Enero 1, 2017 hanggang Enero 19, 2018. Nakaaalarma ito, dahil mula sa naturang datos, may 14 na kaso ng pagkamatay na hinihinalang dahil sa tigdas, ngunit hindi pa kumpirmado kung direktang kumplikasyon ng tigdas ang sanhi ng pagkamatay o nagkataon lamang.

Aabot sa 13 kaso ng pagkamatay ang mula sa Davao City at isa mula sa Davao del Norte. Sa mga pinaghihinalaang kaso, 49 ay naitala nitong Enero 1-19 ngayong taon. Karamihan sa kaso na naitala noong 2017 ay naitala noong Nobyembre at Disyembre.

Upang agarang matugunan ang pagkalat ng tigdas at makontrol ang paglaganap nito, isinagawa ang Outbreak Response Immunization (ORI) sa mga apektadong bayan sa rehiyon. Lahat ng anim hanggang 59 na buwan, kahit ano pa man ang kanilang vaccination status, ay binigyan ng isang dose ng Measles Containing Vaccine (MCV). Kasalukuyang isinasagawa ang house-to-house measles immunization sa mga apektadong lugar sa Davao City.

Noong Disyembre 5-29, 2017, may kabuuang 10,127 bata ang naturukan ng MCV. Batay sa ebalwasyon, may rekomendasyon na ipagpatuloy ang house-to-house measles immunization, at napagkasunduan na ipagpatuloy ang aktibidad na nagsimula noong Enero 17, 2018 at magtatapos sa Pebrero 7, 2018.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong Enero 23, nasa 40,959 na kabataan ang naturukan ng MCV. Ngayong linggo, ang regional office staff na binubuo ng 25 grupo ay ipadadala sa Barangay 23-C, kasabay ng pagpapalawak ng aktibidad at pagtiyak na walang bata ang hindi protektado laban sa tigdas.

Kasabay nito, tiniyak ng Department of Health na ang MCV ay ginamit na sa ilang henerasyon at napatunayan nang ligtas at epektibo laban sa tigdas. Siniguro rin ang kasapatan ng nasabing bakuna at ng mga heringgilya.

“We appeal to our Local Government Officials, volunteers, other stakeholders and partners to help us in the endeavor.

Let us stand together to protect our children from threats to their health. These ongoing measles outbreak can be prevented. Help us inform the public that Measles can be prevented through vaccination and they can visit their nearest health centers for the vaccines or for any concerns. Let us do this together and let us leave no child unprotected from Measles,” saad ng Department of Health.