Ni Leonel M. Abasola

Kakausapin at kukumbinsihin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang online groups na sumusuporta kay Pangulong Duterte na itigil ang pagpapakalat ng maling balita at hate speech sa social media.

Ipinangako ito ni Andanar sa pagdinig ng senate committee on information kaugnay ng fake news, kung saan tinawagan siya ng pansin ni Senador Bam Aquino.

“Sana siguruhin n’yo na ang miyembro ng inyong opisina, hindi gumagawa ng misinformation, disinformation and hate speech,” pakiusap ni Aquino kay Andanar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Iyong batikos walang namang problema, iyong kritisismo wala ring problema, pero kapag humahantong na sa peke, sa panloloko o sa mararahas na pananalita, sana magkaisa tayo na itigil na ito,” dagdag ni Aquino.

Pinayuhan naman ni committee chairperson Senador Grace Poe si Andanar na linisin ang kanilang hanay, partikular na si Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Poe, dapat malinaw kay Uson kung ano ang kanyang posisyon at maghinay-hinay din sa pagkokomento.

Samantala, pinadadalo ng komite ang administrator ng “Silent no More” na si Coco Dayao.

“Some bloggers claimed that their posts were personal expressions or mere opinions and are therefore not subject to a journalist’s code of ethics. In my view, bloggers are not above libel laws. You cannot just attack a person without basis, and then hide behind the skirt of free expression. I think one must have the courage to stand by what he has written and posted publicly,” ani Poe.