CEU copy

Ni Marivic Awitan

NAISALBA ng Centro Escolar University ang matikas na paghahabol ng Marinerong Pilipino para maitarak ang 104-93 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup nitong Lunes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naitirik ng Scorpions ang 91-79 bentahe sa kaagahan ng fourth period bago umarya ang Skippers para mailapit ang iskor sa 97-92. Sa kainitan ng laro, umangat ang determinasyon ni Judel Fuentes sa naisalpak na three-pointer para selyuhan ang panalo ng CEU.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nanguna si Rod Ebondo sa Scorpions sa naiskor na 31 puntos at siyam na rebounds. Nag-ambag si Fuentes ng 20 puntos, habang kumabig si Joseph Manlangit ng 19 puntos, kabilang ang free throws sa huling 1:59 para maapula ang rally ng Marinerong Pilipino.

“Credit to the players kasi binigay nila best nila. Pero dami pa ring lapses. Nag-relax nung third. Mabuti nung fourth nag-focus sila sa aming game plan,” pahayag ni CEU coach Yong Garcia.

Nanguna sa Marinero si Rian Ayonayon na may 24 puntos, walong rebounds, at dalawang assists.

Sa unang laro, naungusan ng Wang’s Basketball-Letran ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian, 83-82.

Iskor:

(Unang laro)

CEU (104) — Ebondo 31, Fuentes 20, Manlangit 19, Wamar 11, Arim 9, Guinitaran 8, Cruz 4, Aquino 2, Caballero 0, Intic 0, Saber 0, Veron 0.

MARINERONG PILIPINO (93) — Ayonayon 24, Subido 17, Robles 17, Toth 10, Tratter 6, Iñigo 6, Paredes 6, Banal 5, Pasaol 2, Babilonia 0, Lopez 0, Terso 0.

Quarterscores: 20-21, 55-41, 83-75, 104-93.

(Ikalawang Laro)

Wangs Letran (83) - Quinto 21, Ambohot 14, Calvo 13, Publico 12, Mandreza 7, Muyang 6, Fajarito 3, Batiller 3, Balanza 2, Trinidad 2, Balagasay 0, Taladua 0.

Che’Lu San Sebastian (82) - Calisaan 21, Bulanadi 15, Jeruta 13, De Leon 12, Batino 11, David 5, Ilagan 5, Calma 0, Costelo 0, Faundo 0, Santos 0, Valdez 0.