Ni Annie Abad

SORSOGON – Patuloy na nagpakitang gilas ang mga kabataan ng Bicoladia matapos manaig sa ginanap na Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup Luzon leg preliminary round nitong weekend sa National High School ng Sorsogon.

Pinataob ni Francis Ayaay ng Iriga City si Reyel Asana ng Gubat, Sorsogon sa unang 2:22 ng first round kung saan hiniling na ihinto na ng referee ang labanan sa kanilang sagupaan sa Lightflyweight Youth boys category.

Si Elmer Marbella ng Sorsogon City naman ay nanalo sa pamamagitan din ng RSC (Referee Stopped Contest) kontra kay Joel Lajota ng Barcelona Sorsogon sa unang 2:19 ng unang round sa youth boys.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang pambato naman ng Pili, Camarines Sur na si Ronald Quilano ay nanaig sa kalaban nitong si Jayson Hernandez ng Camarnes Norte sa unanimous decision 3-0 na siyang tanging labanan na umabot sa huling round. Samantalang si Eddie Mapsusao ng Camarines Sur ay nanalo sa kalaban niyang si C-jay Ejera ng Prieto Diaz, Sorsogon sa RSC sa unang 1:40 ng ikalawang round sa lightflyweight class.

Sa parehong kategorya ay nagwagi naman si Darwin Boyones ng Binan, Laguna sa 1:01 sa ikalawang round kontra kay Chris de los Reyes ng Juban, Sorsogon. Si Ranger Bautista naman ng Tuguegarao City, Cagayan ay nagwagi kontra kay John Mark Dollentes ng Prieto Diaz Sorsogon sa unang 2:26 ng unang round na nagpahinto din ng labanan sa desisyon ng referee.

Ang nasabing kompetisyon ay bahagi ng grassroots program ng PSC katulong si Senador Manny Pacquiao, at magpapatuloy sa preliminary round ngayong Sabado at Linggo sa Bago City, Negros Occidental.