Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Naging matagumpay ang raid na isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Investigation Branch (PIB) at Tarlac City Police Station, at naaresto ang anim na umano’y drug pusher, kabilang ang barangay tanod na high-value target ng pulisya, sa Barangay Capehan, Tarlac City, nitong Linggo ng umaga.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Supt. Luis Munar Ventura, Jr., hepe ng PIB, sa pakikipagtulungan nina Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3.

Arestado sina Danica Roa, 44; Ronald Roldan, 37; Miami Roa, 35; Ricky Candelaria, 42; Jonicalina Aurelio, 43; at Danny Montemayor, 54, barangay tanod at kabilang sa high-value target ng lokal na pulisya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napag-alaman na ang umnao’y drug den sa lugar ay sinasabing minamantine ni Danica, na kilala bilang drug pusher, at binabantayan umano nina Roldan at Montemayor.

Ayon sa report, isang police asset ang nakabili ng isang transparent plastic sachet ng hindi matiyak na gramo ng shabu, kapalit ng P500 marked money.

Habang iniimbestigahan ay nakasamsam pa umano mula sa mga suspek ng siyam na transparent plastic sachet ng hindi pa tukoy na gramo ng shabu, at drug paraphernalia.