Ni Orly L. Barcala

Ang Makati City pa rin ang pinakamayamang lungsod sa bansa, ayon sa Department of Finance (DOF) Umabot sa P34.46 bilyon ang equity ng Makati, sabi ng DOF.

Ikalawa ang Quezon City na may P31.13 bilyon, ikatlo ang Pasig City (P20.03 bilyon), ika-apat ang Maynila (P13.13 bilyon), ika-lima ang Zamboanga City (P10.46 bilyon) ika-anim ang Cebu City (P7.88 bilyon), pang-pito Caloocan City (P6.9 bilyon), pang-walo ang Marikina City (P4.88 bilyon), pang-siyam ang Calamba City (P4.68 bilyon), at pang-10 ang Cagayan De Oro City (P4.67 bilyon).

Ikinagalak ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan ang pag-angat sa puwesto kanyang lungsod, na pang-walo noong 2016 at 2017.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umaasa si Malapitan na lalo pang aangat ang Caloocan dahil sa mas masiglang pagnenegosyo sa lungsod kasabay ng pag-usbong ng mga imprastruktura at maayos na pangongolekta ng buwis.

Bilang patunay ng pag-unlad, pinarangalan ng Bureau of Local Government Finance ang Caloocan bilang ikalawang lungsod sa Metro Manila na may pinakaepektibong koleksyon ng buwis.

Nalampasan umano ng lungsod ang target na koleksyon noong 2016 ng 121 porsiyento.

Sa kasalukuyan, may 1,800 taxpayers ang nagbabayad ng buwis kada araw ngayong Enero.