NAGBUNGA ang hard work ni John Lloyd Cruz sa revenge drama ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo dahil patuloy itong napapansin ng mga manonood sa iba’t ibang bansa at pinakahuli ang Best Supporting Actor nomination sa kanya sa 15th International Cinephile Society.

John Lloyd copy

Ang pelikula ay nominado rin para sa best adapted screenplay at best film (in non-English language) sa naturang award-giving body.

Ang mga nominasyon ay ipinagkaloob pagkaraan ng halos dalawang taon simula nang manalo ang Ang Babaeng Humayo ng top prize sa 73rd Venice International Film Festival noong 2016. 

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Si John Lloyd ay gumanap sa papel bilang si Hollanda, ang transvestite na kinalinga ni Horacia (Charo Santos-Concio).

Makakatunggali ni John Lloyd ang American actors na sina Willem Dafoe, Armie Hammer at Michael Stuhlbarg at ang Irish actor na si Barry Keoghan at French actor na si Arnaud Valois.

Ang winners ng 15th ICS Awards ay ipapahayag sa Pebrero 4.