Ni Jun Ramirez

Humihingi sa Malacañang ang mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng umento dahil sila anila ang nagpupuno ng 80 porsiyento ng national budget.

“If President Duterte can unilaterally order the salary hike for soldiers and policemen there is no reason that he can do the same for BIR workers, the lifeblood of the government,” sabi ng isang revenue district officer.

Ayon sa isang source sa BIR, humiling ng pagtaas sa suweldo ang mga opisyales at manggagawa ng kawanihan dahil sa tingin nila ay malabong maipasa ang panukalang batas na ipantay ang kanilang suweldo sa binibigay sa mga nagtatrabaho sa mga government corporation tulad ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance Service (GSIS).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi rin ng source na kulang ng tauhan ang kawanihan dahil hindi ito makaakit ng magagaling na abogado at certified public accountants dahil napakaliit ng suweldo.

Ang bayad ng BIR sa isang bagong CPA ay P25,000 at P28,000 para sa abogado, mas mababa sa suweldo ng clerk sa government-owned enterprises.

Dahil dito, maraming bagong BIR employee ang nagre-resign at lumilipat sa mga pribadong tanggapan kung saan mas mataas ang bayad.