Ni MIKE U. CRISMUNDO

CAMP BANCASI, Butuan City – Isang umano’y supply officer, tatlong squad leader, at isang medical officer ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa 25th Infantry (Fireball) Battalion (25th IB) ng Philippine Army sa isang-linggong peace antdevelopment activities sa mga lugar sa hangganan ng Agusan del Sur at Compostela Valley (ComVal), ayon kay 25th IB Civil Military Operations (CMO) officer Capt. Alan Bapara.

Bukod dito, 16 na miyembro rin ng NPA Solid Mass Organization (SMO) ang sumuko nang walang bitbit na armas sa mga tauhan ng 25th IB simula nitong Enero 20, ayon kay Capt. Bapara.

Aniya, kasapi ng Pulang Bagani Command 8-SRC 1, ng SDG Section 3-SRC 4 ng guerilla-Front Committee 15 ng CPP-NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ang limang opisyal na sumuko.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Pansamantalang hindi pinangalanan ang tatlong squad leader at isang supply officer ng Barangay Sta. Emelia, Veruela, Agusan del Sur; at medical officer mula sa Purok 7, Bgy. Salvacion, Monkayo, Comval na nagsisuko sa militar sa tulong ng mga lokal na opisyal.

“Their voluntary surrender was due to the experienced hardships, homesick, fear of death and most of all the realization of the futility of their cause in the organization,” sabi ni 25th IB Commander Lt. Col. Oscar B. Balignasay Jr.