Ni Fer Taboy

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Malolos Ctiy, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos City Police, tinangay umano ng mga suspek ang mga gamit ng biktimang si Yulbert De Guzman, manager ng isang restaurant.

Sinabi ni Supt. Bruno na nakapagsumbong sa pulisya ang biktima at kaagad na rumesponde ang mga awtoridad.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aniya, naabutan ng mga pulis ang mga suspek sa Ople Road sa Barangay Bulihan, na nakipagbarilan umano sa halip na sumuko sa mga awtoridad.

Nang gumanti ang mga pulis, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si De Guzman.

May hinala ang pulisya na ang mga suspek din ang posibleng nasa likod ng iba pang insidente ng panghoholdap sa Malolos.