ISINAGAWA nina back-to-back World Slasher Cup champion  Frank Berin at Lonnie Parks ng Tennessee ang tradisyunal na patuka sa media launching ng 2018 World Slashers Cup nitong Linggo sa Novotel. Magsisimula ang aksiyon ngayon sa Araneta Coliseum. ( MB photo |Alvin Kasiban)
ISINAGAWA nina back-to-back World Slasher Cup champion Frank Berin at Lonnie Parks ng Tennessee ang tradisyunal na patuka sa media launching ng 2018 World Slashers Cup nitong Linggo sa Novotel. Magsisimula ang aksiyon ngayon sa Araneta Coliseum. ( MB photo |Alvin Kasiban)

LIBO-LIBONG handlers at breeders, gayundin ang mga tagasuporta ang inaasahang dadagsa ngayon sa Smart Araneta Coliseum para sa grand opening ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby.

May 300 local at international cockers na kasali sa paderby ng Pintakasi of Champions.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang kumpletong iskedyul: Jan. 29, 30 at 31 (2 –cock elims); Feb. 1, 2 at 3 (3 –cock semifinals); Feb. 4, 5 at 6 (finals para sa 2, 2.5, 3 at 3.5 points) at Feb. 7 (finals para sa 4, 4.5 at 5 points).

Isa sa sponsors ang Excellence Poultry and Livestock Specialists kasama ang PitGames Media Inc. ni CEO Manny Berbano.

Pambato ng mga dayuhan sina Ray Alexander ng Alabama, Lonnie Harper ng Mississippi,Mike Formosa ng California, Soan Sogianto ng Indonesia,Owen Medina at Peter Elm ng Guam, Jorge Goitia ng California;

Roger Roberts at Larry Whitehead ng Georgia, Wilber Le Blanc at Richard Harris ng Louisiana, Zaldy Sandoval at Rene Medina ng California, Kini Kalawaii at Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper at Looney Parks ng Missisipi, Randy Hall ng Texas, Ferdinand Macaraeg ng Indonesia, Rene Penalosa, Greg Berin at Joey Melendres ng Australia.

Kakasa sina Doc Ayong Lorenzo, Biboy Enriquez, sabong idol at Rep. Patrick Antonio, Escolin Brothers,Frank Berin, Anthony Lim, Manny Berbano, Joey Sy, vice mayor Jubee Navarro, Paolo Malvar, Boy Marzo at Femi Medina.

Kilalang “Olympics of cockfighting”, nag –umpisa ang World Slasher Cup noong early ‘60s at naging international phenomenon noong 1988.

Punong - abala ang Pintakasi of Champions sa sampung araw na derby na sisiyapol hanggang Feb. 7 tampok ang mga local at international champions.

Ang ibang kalahok ay galing sa US (Georgia, Texas, Louisiana at Florida, gayundin ang Guam at Hawaii); Indonesia, Vietnam; Malaysia at Australia.

Sa mga gustong bumili ng Patron at Box tickets, pumunta lamang sa Ticketnet Box Office sa Araneta Coliseum Circle (Yellow Gate) o tumawag sal 911-5555.

Puwede ring bumisita sa WSC official website sa www.slashercup.ph, o Facebook page sa @WorldSlasherCupOfficial.