Humihiling ang Ukraine sa gobyerno ng Pilipinas na payagan ang visa-free access sa kanilang mga mamamayan upang makatulong na maisulong ang bansa bilang major tourist destination sa rehiyon.

“My idea is to help simplify the travel procedures between Ukraine and the Philippines. So far, Ukrainians require visas to visit the Philippines, unlike (in) Malaysia, Indonesia or Thailand,” sinabi ng bagong talagang si Ukraine Ambassador Olexander Nechytaylo sa eksklusibong panayam ng Manila Bulletin nitong weekend.

Sinabi ni Nechytaylo, non-resident envoy sa Pilipinas na may jurisdiction sa Malaysia at Timor Leste, na malaki ang pagkakaiba sa bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa kumpara sa mga katabi nito sa Southeast Asia.

“That also reflected in the numbers. The number of those visiting Malaysia, where I am based for the past year, was 15,000. The number of Ukrainians who visited the Philippines for the same period is only 200. It’s a tremendous difference,” anang Ukrainian official.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinunto ni Nechytaylo na ang Pilipinas ay bahagyang “under-discovered” territory para sa mga turistang Ukrainian.

Nakikita man niya ang positibong trend sa bilang ng mga Ukrainian na bumibisita sa Pilipinas, gayunman nais ng envoy na mas maraming mamamayan pa ang pumunta rito at maranasan kung ano ang maiaalok ng bansa.

“The country (Philippines) is absolutely amazing. You have something that other destinations in Asia don’t have,” papuri ng ambassador.

Sa kasalukuyan, ang Ukrainians ay binibigyan ng visa-free access sa ilang ASEAN destinations gaya ng Malaysia, Thailand, at Indonesia.

Isinuhestiyon din ni Nechytaylo ang “visa-upon-arrival” scheme na isang option para mahikayat ang mga Ukrainian tourists na pumunta sa Pilipinas.

Sa panayam, hindi rin itinago ni Nechytaylo ang paghanga para sa mga Pilipino na inilarawan niyang “happy people.”

“I will summarize it in two words - happy people,” sabi ng ambassador nang tanungin tungkol sa first impression niya sa mga Pilipino.

Pinansin din niya na ang mga Pinoy ay “very hardworking, very reliable people.”

Ang mga katangiang ito ng mga Pinoy, ay mapapansin sa United Nations kung saan marami ay nagtatrabaho sa UN Secretariat.

“Everybody knows that if you have a job to do, (Filipinos) are somebody who really doesn’t mind working for extra hours,” sabi ng Ukrainian diplomat.

Bumisita si Nechytaylo sa Manila nitong nakaraang linggo para magpresinta ng kanyang credentials kay Pangulong Rodrigo Duterte. - Roy C. Mabasa