Nagsagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng dalawang araw na National Technical and Vocational Education and Training (TVET) enrollment at job fair para sa mga nais magsanay at nagtapos dito.

Sinimulan nitong Sabado at kahapon, sunod itong idaraos sa Agosto 25 at 26, alinsunod sa memorandum ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, sa regional at provincial directors ng ahensiya.

“People will see us near their homes or places of work,” ani Mamondiong.

Sabay-sabay na gagawin ang enrollment at job fair sa mga munisipyo at kapitolyo ng lalawigan gayundin sa ibang lugar na tutukuyin ng bawat distrito. - Bella Gamotea

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco