TOUGH MUDDER sa Pilipinas? Bakit hindi.
Masasaksihan ng sports-minded Pinoy ang kakaibang adrenaline sa pagsabak sa kakaibang sports na ilalarga ng Tough Mudder, Inc. – nangungunang sport, active lifestyle at media brand – sa pakikipagtulungan ng Proactive Sports Management sa bansa sa Nobyembre.
Sa isinagawang media launching nitong Liggo, ipinahayag ng organizers na mapapalaban ang mga palabang Pinoy sa Philippine’s Tough Mudder Event Weekend.
“This is the first time that Tough Mudder will be in the Philippines, and Tough Mudder is not just about being tough, it is also about teamwork and determination,” sambit ni Proactive COO Justine Cordero.
Matagumpay na isinasagawa ang Tough Mudder sa iba’t ibang bansa sa mundio kabilang ang Mexico, Bali, Ireland, United Arab Emirates, at Australia.
“Tough Mudder events have united millions seeking a more engaging, communal form of active lifestyle. We are excited to partner with Proactive Sports Management, who have a proven track record for success for athletic events in the Philippines, to ensure locals and tourists alike will have the same unparalleled experience that has made Tough Mudder the must-do event for OCR enthusiasts and weekend warriors alike,” pahayag ni Will Dean, CEO and Co-Founder ngTough Mudder.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 3 milyon ang mga sumasabak sa Tough Mudder sa mga torneo sa buong mundo. Nakataya rito ang mapaghamong Tough Mudder 5K at Tough Mudder Half (five-mile event excluding fire, ice and electricity), Tough Mudder X at World’s Toughest Mudder (24-hour endurance event).
Sa mga nagnanais na makilahok, bukas na pagpapatal sa online registration. Bisitahin ang FB/ToughMudderPhilippines.