BAGUIO CITY – Handa na ang mga piling estudyante mula sa rehiyon para sa kompetisyon sa 2018 National Festival of Talents (NFOT) sa Pebrero 19 hanggang 23 sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Sinabi ni Department of Education Regional Director May Eclar, na ang technology and livelihood education-technical-vocational livelihood (TLE-TVL) secondary and alternative learning system (ALS) students ay pinili sa regional office noong nakaraang taon, para sumali sa event.

Ang mga piling students paticipants mula sa Abra, Apayao, Baguio, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province at Tabuk City schools division ay makakasama ng iba pang regional delegates para makipagtagisan ng galing sa Industrial Arts: Automotive Servicing, Electronics, Drafting, Computer Servicing, Webpage Design: Home Economics: Dressmaking, Beauty Care, at Nail Art.

Nakatakda rin ang competitions para sa Agri-Fishery: fish processing, fish preservation, landscape; at Bazaar display and service. Patutunayan ng mga kalahok sa event na ito ang kanilang galing sa product arrangement at actual customer service.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Ang tema ng festival of talent ay: “Pagkilala sa Kulturang Filipino Tungo sa Kapayapaan, Pagkakaisa at Pagbabago.” - Zaldy Comanda