MATIKAS na nakihamok si defending champion Filipino Grandmaster (GM) Wesley Barbasa So, ngunit nauwi lang sa draw ang laban niya kay Indian GM Viswanathan Anand matapos ang 12th round ng 2018 Tata Steel chess tournament na ginanap sa Hiversum, the Netherlands nitong Sabado.

Tangan ang disadvantageous black pieces ay nakipag draw ang Bacoor, Cavite native kay Anand sa 32 moves ng Ruy Lopez Opening tungo sa total 7.0 puntos, kaparehas ng iskor na naitala ni GM Sergey Karjakin ng Russia. Tabla rin si Karjakin kontra kay GM Peter Svidler ng Russia matapos ang 31 moves ng Catalan Opening. Sina So at Karjakin ay magkasalo sa 6th hanggang 7th place.

Si Anand naman ay nakisosyo kay GM Vladimir Kramnik ng Russia sa 4th hanggang 5th place na may 7.5 puntos.Panalo si Kramnik kontra kay GM Fabiano Caruana ng Estados Unidos sa 45 moves ng Caro-kann defense.

Giniba naman ni Three-time Tata Steel titlist World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway si GM Maxim Malatkov ng Russia matapos ang 57 moves ng Sicilian defense para manatili sa solong liderato na may 8.5 puntos.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Diniskaril naman ni GM Anish Giri ng the Netherland si GM Baskaran Adhiban ng India sa 42 moves ng Modern Benoni defense tungo sa pagsalo sa 2nd at 3rd place kay fellow 8.0 pointers GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan na nagkasya ng quick draw kay GM Gawain Jones ng Great Britain sa 12 pushes ng Petroff defense.

Ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Vice President Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, nakalaan sa magkakampeon sa 13 round tournament ang euros 10,000 habang matatangap naman ng runner-up place ang euros 6,500.