Ni Nora Calderon

HABANG magsisimula pa lamang title-roller ni Ruru Madrid na Sherlock Jr. ngayong gabi sa GMA-7, sumabay naman ang pag-iwan sa kanya ng kanyang manager and mentor na si Director Maryo J. delos Reyes na pumanaw noong Sabago, January 27, because of heart attack. 

Malungkot at hindi malilimutan ni Ruru ang kanyang manager na nagtiwala sa kanyang kakayahan, simula pa nang sumali siya sa Protege, The Battle for The Big Artista Break sa GMA-7 noong August 2012 .Ipinagkatiwala rin ni Direk Maryo kay Ruru ang isa sa episodes ng The Bamboo Flowers shot in Bohol, ang hometown ng director, na nagpakita ng kahusayan niya sa acting. Nasundan ito ng projects ni Ruru sa GMA-7 and the rest, wika nga, is history.

Isang project na gustong gawin ni Direk Maryo noon ang remake ng Gabun na gusto niya para kay Ruru at sa isa pa niyang talent noon, ang mahusay ding young actor na si Miguel Tanfelix.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Last naming nakausap si Direk Maryo noong grand presscon ng Sherlock Jr., pero nakalulungkot nga dahil hindi na niya mapapanood ang kabuuan ng serye. Pilot na nito mamayang gabi after ng 24 Oras. 

Sa seryeng ito naalis ang phobia ni Ruru sa aso, dahil maliit pa ay nakagat na siya ng aso at hindi niya iyon makalimutan. Lakas-loob ang pagti-taping niya ng mga eksena na kasama ang wonder dog na si Siri sa lahat ng mga imbestigasyon niya sa mga kaso, at isa ang namatay na girlfriend niyang si Irene (Janine Gutierrez).

“Minsan po sa eksena namin ni Siri, nadilaan niya ang mukha ko at talagang ninerbiyos na naman ako,” kuwento ni Ruru sa presscon. “Pero nang makita kong okey na okey naman siya kina Gabbi (Garcia) at Janine, dahan-dahan natutuhan ko na ring lumapit sa kanya at lagi namang nandoon ang trainer niya. Mabait si Siri at naging friends na kami at lahat ng tao sa set, malapit sa kanya.”

Reunion serye naman ito nina Ruru at Gabbi kay Ai Ai delas Alas, na nakasama na nila noon sa isa ring TV series. Looking forward siya to work with Tonton Gutierrez na siyang antagonist sa story, then si Matt Evans. Comfortable siyang kasama sina Andre Paras, Kate Valdez, at si Mikee Quintos na una niyang nakasama sa Encantadia. Si Mikee ang boses ni Siri sa serye.

“Sana po ay magustuhan ng mga televiewers ang aming serye na handog namin hindi po lamang sa mga young viewers but also to adult viewers. Salamat po,” pagtatapos ni Ruru.