San Sebastian's Dangie Encarnacion (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
San Sebastian's Dangie Encarnacion (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
NALUSUTAN ng season host San Sebastian College ang matinding hamon ng Lyceum of the Philippines University sa first frame at winalis ang sumunod na dalawang sets para maiposte ang 25-23, 25-6, 25-14 panalo kahapon sa women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Umiskor ng 16 puntos si Nikka Dalisay, habang nagtapos na may tig -10 puntos sina team captain Joyce Sta. Rita at Dangie Encarnacion para pangunahan ang Lady Stags sa pag -angkin ng apat na sunod nilang panalo na nag angat sa kanila sa markang 5-2, at nagbaba naman sa Lady Pirates sa kartadang 1-6.

“We’re only few but the players I have are mostly veterans and I will not be surprised if we have different top scorers in every game,” pahayag ni SSC coach Roger Gorayeb.

Bagamat umangat sa ikatlong puwesto, aminado si Gorayeb na mabigat ang kanilang susuungin upang makaabot ng Final Four dahil ang dalawang nangungunang koponan ang huli nilang makakalaban, ang no. 2 San Beda, (6-1) sa Martes at ang defending champion Arellano (7-0) sa Huwebes..

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It’s going to be tough but we just have to prepare hard for them,” ani Gorayeb. - Marivic Awitan