Nangako ang gobyerno ng India na magpapadala ng pharmaceutical experts sa Pilipinas, upang tumulong sa pagpapababa ng presyo ng mga gamot sa ‘Pinas.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin kasunod ng pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na siyam na Indian companies ang nangako ng $1.25 billion investments sa Pilipinas.

Bunga ito ng tatlong araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa India, upang dumalo siya sa Association of Southeast Asian Nations-India Commemorative Summit at sa Republic Day ng naturang host country.

Samantala, sinabi ni Lopez na ang investments sa IT-BPM ay inaasahang lilikha ng 100,000 trabaho sa loob ng isang taon. - Beth Camia

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente