Sunshine, Karylle, Diana at Iza
Sunshine, Karylle, Diana at Iza

PELIKULA ang dahilan sa madalas na pagkikita ng original Sangres ng Encantadia na sina Iza Calzado, Diana Zubiri, Karylle at Sunshine Dizon.

Gagawa ng pelikula ang apat sa direction ni Mark Reyes na siya ring namahala ng Encantadia, kaya matutupad ang matagal nang request ng loyal Encantadiks na mapanood ang mahal nilang Sangres sa isang pelikula.

Ipinauna nga lang ni Direk Mark na hindi movie version ng Encantadia ang gagawin ng apat, mag-move on na raw, ibang klaseng pelikula ito at abangan na lang.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

New player sa movie production ang magpoprodyus ng naturang pelikula na bawal pang pangalanan. Kung matutuloy, ang movie ng apat na aktres ang second film project nila and their first movie ay isu-shoot pa lang.

Samantala, marami na ang naghihintay sa pagtatapos ng Ika-6 Na Utos na pinagbibidahan nina Sunshine at Gabby Concepcion with Ryza Cenon. Araw-araw na tinatanong ng viewers kung magkakabalikan ba ang mga karakter nina Sunshine bilang si Emma at Gabby bilang si Rome at kung happy ending ang love story nila?

“Not to spoil the ending for you, but everything is going to be OK.”#romeisback #ikaanimnautos,” ang sagot ni Sunshine. --Nitz Miralles