Hindi kagandahang balita para sa mga motorista.

Asahan ang napipintong oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 40 hanggang 50 sentimos ang kada litro ng diesel, gasoline, at kerosene.

Ang napipintong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sakaling ipatupad, ito ang ikalimang beses na oil price hike sa bansa.

Kung susumahin, umabot na sa P2.25 ang nadagdag sa presyo ng diesel, habang P1.35 naman sa gasolina. - Bella Gamotea