JERUSALEM (AFP) – Inakusahan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Poland nitong Sabado ng pagkakait sa kasaysayan sa pamamagitan ng isang panukalang batas na ginagawang ilegal na tukuyin ang Nazi death camps sa bansa bilang Polish.

‘’The law is baseless. I strongly oppose it. One cannot change history and the Holocaust cannot be denied,’’ sabi ng premier sa isang pahayag.

Sa pag-init ng diplomatic row sa araw na minamarkahan ng mundo ang International Holocaust Remembrance Day, ipinatawag ng foreign ministry ang charge d’affaires to Israel ng Poland nitong Linggo.

Sinabi ng foreign ministry official sa AFP na ang Polish bill ay ‘’an attempt to rewrite and falsify history, something that the Jewish people and Israel will never accept’’.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Pinagtibay ng parliament ng Poland nitong Biyernes ang panukalang batas na nagpapataw ng multang tatlong taong pagkakakulong sa sinumang tatawaging Polish ang Nazi German death camps.

Inatake at sinakop ng Nazi Germany ang Poland noong World War II, at namatay ang anim na milyong mamamayan nito, kabilang ang tatlong milyong Jews sa Holocaust.