Ni GENALYN D. KABILING
Nagpasaklolo ang ilang lokal na opisyal na idinadawit sa ilegal na droga ang kay Presidential Spokesman Harry Roque para linawin ang kanilang mga pangalan.
Inamin ni Roque na tumanggap siya ng request ng ilang lokal na politiko, na kalaunan ay ipinasa niya sa local law enforcement agencies. Hindi niya tinukoy ang mga pangalan ng mga opisyal.
“I do have requests from a number of local politicians for their names to be cleared. Now what I do know is, all I can do is submit their names with the requests that they be cleared,” sinabi ni Roque sa press conference sa Iloilo City.
Sinabi ni Roque na sa isang pagkakataon, nagpadala siya ng liham mula sa isang lokal na opisyal kay Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa at sa Philippine Drug Enforcement Agency.
“I don’t know what transpired as far as that specific local politician is concerned,” aniya.
“As you can see, the clearing process dealing with the different law enforcement agencies that have a mandate to participate in the campaign against drugs,” dagdag niya.
Ginawa ni Roque ang pahayag matapos ipagtanggol ang pagsama pangalan ng dalawang mayor mula sa Iloilo na idinawit sa illegal drugs sa ruling PDP-Laban party. Sinabi niya na nilinis ng pulisya ang pangalan ng mga ito bago sumama sa administration party.
Kabilang sina Mayors Alex Centena ng bayan ng Calinog at Mariano Malones ng bayan ng Maasin sa mga bagong miyembro ng PDP-Laban na nanumpa kamakailan.
“They were not cleared because they have joined the party,” ani Roque.
“They were allowed to join the party because they were cleared first. They would not have been allowed to join if they were not cleared,” dagdag niya.