KILALA sa mga sasakyang matibay at maasahan ang Hino Motors Philippines (HMP). At sa taong 2018, ipinakilala ng kumpanya ang mga bagong bus, trucks at modernong jeepneys na nagtataglay ng Euro4 engine.
Bilang patunay sa sinumpaang layunin na makapagbigay nang dekalidad at dekalibreng mga sasakyan na maaasahan sa pagharurot sa mga daan, inilabas ng Hino Philippines ang bagong linya ng mga sasakyang pangbiyahe at mass transportation na nakabatay sa pandaigdigang regulasyon at panuntunan.
Gamit ang Euro 4 engines, doble ang lakas at tibay ng mga bagong sasakyan ng Hino. Bukod sa pagiging matipid sa kunsumo ng gasoline, aprubado na malinis ang ibubuga ng makina na hindi makasisira sa kalikasan.
Sa ginanap na product launching nitong Biyernes sa World Trade Center sa Pasay City, ipinakilala ng pamunuan ng Hino ang mga bagong Euro 4-compliant fleet tulad ng refrigerated van, cargo crane, dump truck, cab & chassis truck, tractor head, wing van, Cerito bus, Grandeza bus at ang modernong Hino jeepney – ang Hino Jeepney Class 3AC. Ang modernong jeepney ay naaayon sa nais ng pamahalaan sa public utility vehicle (PUV) modernization program. Mistulang mini bus, ang Hino jeepney ay kayang magsakay ng hanggang 23 pasahero.
“We are very excited to share our latest vehicles with our valued partners. As a reliable one-stop shop, we are equipped to provide 360-degree support to all our clients’ trucking requirements—from assembly to chassis, body and, more importantly, aftersales and maintenance,” pahayag ni HMP Chairman Vicente T. Mills, Jr.
Ayon kay Mills, ang patuloy na pagpapaunlad sa mga imprastraktura tulad ng tulay, kalsada at mga skyway ng pamahalaan at nararapat na pantayan ng pagpapalabas ng mga dekalidad at mga eco-friendly na sasakyan.
“The boom in infrastructure construction increases opportunities for transport businesses and truck and bus requirements over the next couple of years. The rise in domestic travel activities will also provide more impetus to the bus industry. Any increase in the movement of people will require the services of modern buses. Further, fleet replacement in compliance with Euro 4 and such requirements will translate into more sales,” sambit ni Mills.
“Hino is honored to have been given the opportunity to incorporate this ecological innovation to the Hino quality of trucks and buses. As we affirm our commitment to supporting the community, we will continue to leverageour ability to assemble and distribute quality trucks and buses designed to address the different needs of Filipinos in the most efficient way possible,” pahayag naman ni HMP President Mr. Hiroshi Aoki.