INGLEWOOD, CA - JANUARY 27: Romero Duno (R) of the Philippines lands a right hand to the head of Yardley Armenta during their lightweight bout at The Forum on January 27, 2018 in Inglewood, California.   Jeff Gross/Getty Images/AFP

TINIYAK ni Filipino lightweight boxer Romeo Duno na makapapasok siya sa world rankings matapos patulugin sa unang round si Mexican slugger Yardley Armenta kamakalawa ng gabi sa The Forum, Inglewood, California sa Estados Unidos.

Nagsilbing undercard ang sagupaan nina Duno at Armenta sa paghamon ng Pilipino ring si Mercitor Gesta kay WBA at Ring Magazine lightweight champion Jorge Linares ng Venezuela sa tampok na sagupaan.

“Filipino lightweight Romero Duno (16-1, 14 KOs) made quick work of Yardely Armenta (21-10, 12 KOs) in scoring a first round knockout,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Duno was aggressive from the start attacking Armenta as a right hand did it dropping Armenta as referee Jerry Cantu reached a ten count at 1:07 of the first.”

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ito ang ikalawang sensational knockout win ni Duno sa Amerika matapos palasapin ng unang pagkatalo ang pinasisikat ni Golden Boy Promotions big boss Oscar dela Hoya na si Mexican American Christian “Chimpa” Gonzalez via 2nd round knockout.

Huling lumaban sa US si Duno noong nakaraang Setyembre nang daigin sa puntos ang beteranong si Juan Pablo Sanchez ng Mexico rin na umiwas makipagpukpukan sa 22-anyos na Pilipino. - Gilbert Espeña