BUSTAMANTE: Angat uli sa world billiards.
BUSTAMANTE: Angat uli sa world billiards.
MULI na naman nagpamalas ng husay si Philippine billiards icon Francisco “Django” Bustamante matapos tanghaling kampeon sa 20th Annual Derby City Classic One Pocket division na ginanap sa Horseshoe Southern Indiana sa Elizabeth, Indiana sa Estados Unidos nitong Sabado.

Si Bustamante, isa sa top players ni sportsman/businessman Aristeo “Putch” Puyat ng Puyat Sports, ay namayani kontra kay American Justin Bergman sa championship match,3-1, para masikwat ang titulo.

Binati naman ni International Billiards/Snooker Champion Marlon “Marvelous” Manalo ang tagumpay ng kanyang matalik na kaibigan na si Bustamante.

“Once again our flag has been raised in the foreign land after our kababayan (Francisco) Bustamante won the 20th Annual Derby City Classic One Pocket division held at the Horseshoe Southern Indiana in Elizabeth, Indiana.” sabi ni Marlon “Marvelous” Manalo, top honcho ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nitong Martes, ang isa pang Filipino cue master na si Roberto “Pinoy Superman” Gomez ang kampeon naman sa Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Pool Championship. Nanaig si Gomez kontra kay Feder Gorst ng Venezuela, 11-10, sa finals.

Nangunguna si Bustamante sa karera ng titulong Master of the Table/All Around champion.