Ni ANNIE ABAD

SORSOGON -- Nagpakitang gilas ang pambato ng Mandaluyong City nang pataobin ni B-boy Cenita ang kanyang naging katunggali na si Hico Jhon Pamittan ng Tuguegarao City sa pag-usad ng Luzon Leg Preliminary ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup kahapon sa National High School gym dito.

Isang round lamang at sumuko na agad ang kalaban ng 15-anyos na si Cenita sa Jr. Boys Pin weight category matapos na hilingin sa referree na itigil na ang laro na siyang naging dahilan upang tanghaling panalo ang pambato ng Mandaluyong.

Ganito rin ang nangyari sa labanan nina Floyd Gaspi ng Bulan Sorsogon sa Youth Boys Fly weight category matapos naman niyang pahintuin si Judah Barberan ng Sorsogan City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hiniling din sa referee na ihinto ang laban matapos ang first round na siyang naging dahilan ng panalo ni Gaspi.

Sa iba pang resulta, Pinataob ni Collin John Bahgusan ng Baguio City si Gerico Bayrante ng Iriga City Camarines Norte habang sa Youth Boys Flyweight ay binigo naman ni Carlo Belaro ng Prieto Diaz si Clander Erestian ng Sorsogon Province.

Nagwagi naman sa Youth Boys Bantam weight si Jongie Ramos ng Pili Camarines Sur kontra kay Jason Federio ng Gubat Sorsogon.Sa Youth boys bantamweight naman ay nanaig si Jano Bartolay ng Bulan Sorsogon kontra kay Rico Belmonte Jr. ng Prieto Diaz, habang si Nicolas Innocencio naman ng Mandaluyong ay nagpatob kay Lean Llona ng Libon, albay sa parehong category.Habang sa huling laro sa nasabing category pa rin, ay nagwagi si Rommel Loreca ng Cambuoya Sorsogon kontra kay Monico Sarabejo ng Gubat Sorsogon.

Ang mga nagwagi sa nasabing kompetisyon ay sasabak naman sa quarter finals ng Luzon Leg.

Samantala, ang kasunod na leg ay ang Visayas leg na gaganapin sa Bago City ngayong darating na Sabado at Linggo.