Nakasalalay sa pagsasabatas ng mahahalagang panukala ang paglago ng agrikultura, ayon kay Senador Cynthia Villlar.

“Allow me to give you an update on my authored bills, such as the National Food Authority (NFA) Reorganization Act; and the Abolition of the irrigation service fees for small farmers and some other bills,” sabi ni Villar.

Aniya, nagpatawag na siya ng pagdinig hinggil sa pagpapatupad ng Republic Act 3708 o ang Seeds Industry Development Act of 1992, dahil sa pagkabigo nitong magbigay ng high-quality seeds sa mga magsasaka.

Sinabi ni Villar na ngayong 2018, kabilang sa prioridad ng kanyang komite ang reorganization ng NFA. Naniniwala siya na matagal nang dapat na naisakatuparan ang reorganization ng NFA dahil sa pangunahing papel nito sa buhay ng rice-eating Filipinos at rice-producing Philippines, pati na sa food security.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dismayado si Villar na hanggang ngayon, hindi pa rin naaabot ng Pilipinas ang rice self-sufficiency targets.

“Once signed into law, free irrigation services will be institutionalized for small farmers or those with eight hectares or below, which as UN-FAO acknowledges are the ones that will feed the world’s population. It is truly a landmark law that will benefit generations of Filipino farmers,” dagdag ni Villar. - Leonel M. Abasola