12

Ni RIZALDY COMANDA

ANIM na contingent mula sa secondary level schools ang nagpasiklaban ng magagarbo at makukulay na costume, lalung-lalo na ng kanilang street dancing performance at showdown sa 2nd Tinungbo Festival sa bayan ng Pugo, La Union.

Ang anim na lumahok ay ang Pugo Central National High School, Cuenca National High School, Maoasoas National High School, Saytan Integrated High School, Pugo Catholic School at San Luis National High School.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Labis na ipinagmamalaki ni Mayor Priscilla Martin ang mga kalahok ngayong taon dahil napakalaki ng improvement ng bawat kalahok, hindi lamang sa kanilang kasuotan kundi maging sa kanilang ipinamalas na performance, na labis na ikinasiya ng mga manonood.

“I congratulate lahat ng participant, lahat sila magagaling,” aniya.

Hindi alintana ng lahat ang matinding sikat ng araw habang pinapanood ang bawat performance ng mga kalahok na nagpamalas ng mga kakaibang routine na angkop sa tradisyunal at kultura ng tinungbo.

Sa huli, muling naipanalo ng Pugo Catholic School na siya ring tinaguriang Tinungbo Street Dancers, ang kanilang korona, matapos muling magwagi bilang grand champion sa 2nd Tinungbo Festival’s street dancing at showdown competition nitong Enero 21.

Ang PCS street dancers ang kauna-unahang nanalo nang ilunsad ang Tinungbo Festival noong 2017 at naging pambato ng Pugo sa Panagbenga Festival 2017, na naging grand champion din sa open category.

Bukod dito, ay naging champion din sila sa Festival of the North ng Dinengdeng Festival sa Agoo, La Union at naging second runner-up sa Bangus Festival ng Dagupan City, Pangasinan.

Pumangalawa ang Maoasoas National High School at pangatlo ang Saytan Integrated High School.

[gallery ids="285101,285100,285099,285098,285097,285093,285094,285095,285096,285086,285085,285084,285083,285082,285087,285088,285089,285090,285091"]