Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Umabot sa 268 drug suspek ang nasawi sa mga encounter at 2,909 naman ang naaresto sa anti-drug operations ng pulis sa Bulacan nitong nakalipas na taon.

Inilahad ang mga bilang ng nasawi at nasabat sa kampanya laban sa droga sa Joint Provincial Peace and Order and Anti- Drug Abuse Council meeting kamakailan.

Inihayag ni Senior Supt. Romeo Caramat, Jr., Bulacan police chief, na siyam sa naaresto ay high-value targets ng pulisya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aabot sa 30,950 bilang ng bahay din ang binisita sa pagpapatupad ng Operation Tokhang noong 2017 na nagresulta sa pagsuko ng 5,079 katao. Sa nasabing bilang, 4,955 ay mga drug user habang at ay mga pusher.

May 8,903 sachets ng shabu na may bigat na 4,567 gramo, at 263 sachets ng marijuana na may timbang na 18,375 gramo ang nakumpiska na may katumbas na halaga na mahigit sa P22- milyon.

Binanggit pa ni Caramat na sa taong ito ay paiigtingin na kampanya laban sa illegal drugs sa ilalim ng Project Double Barrel Reloaded.