Ni Gilbert Espeña

NAIKAMADA ni defending champion Grandmaster (GM) Wesley So ng United States ang 6.5 puntos matapos ang Round 11 tungo sa three-way tie sa fifth place ng 2018 Tata Steel chess tournament na ginanap sa Hiversum, the Netherlands nitong Biyernes.

Naitulak ng 24-anyos na Amerikano ang crucial win kontra kay GM Gawain Jones ng England matapos ang 62 moves ng Benoni Defense.

Tangan ng Bacoor, Cavite native na si So ang 3 panalo, 1 talo at 7 tabla sa 13 round tournament na may pabuyang euros 10,000 sa magkakampeon habang euros 6,500 sa runner-up.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“ Napakaganda ng nilaro ni GM Wesley So kay GM Gawain Jones at I hope maipagpatuloy niya ang panalo sa mga susunod pang laro,” sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Vice President Atty. Cliburn Anthony Orbe na matiyang nanood at sumusubaybay nang live game sa internet.

Kasama ni So sa fifth spot ay sina fellow 6.5-pointers GM Vladimir Kramnik at GM Sergey Karjakin, kapwa ng Russia.

Nauwi naman sa tabla ang laban sa pagitan nina three-time Tata Steel titlist World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway at GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan matapos ang 38 moves ng Nimzo-Indian defense para magsalo sa liderato na may tig 7.5 puntos.

Giniba naman ni GM Viswanathan Anand ng India si GM Hou Yifan ng China sa 33 moves ng English Opening tungo sa total 7.0 puntos gaya ng naitala ni GM Anish Giri ng the Netherlands.

Tabla si Giri kay GM Fabiano Caruana ng Estados Unidos sa 44 moves ng London System Opening.