Ni Ellaine Dorothy S. Cal

Higit pa sa premyo at pagkilala, pagmamahal sa wika ang nangibabaw sa nagwagi at mga lumahok sa Gawad Julian Cruz Balmaseda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ang pinakamataas na pagkilala ng KWF para sa natatanging thesis at dissertation sa science, mathematics, social sciences, at humanities gamit ang wikang Filipino.

Nagdesisyon ang KWF na ipangalan kay Balmaseda ang bawat parangal bilang pagpupugay sa kanyang 800 tula, 440 dula, at 39 na katha.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Lahat ng wika ay pantay-pantay. At kayang makipagsabayan ng Wikang Filipino (sa lahat ng wika),” diin ni Emmanuel C. de Leon, ang nagwagi ng Gawad Julian Cruz Balmaseda 2017.

Ang thesis ni De Leon na may titulong “Ang Intelektwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino: Quito, Mercado, Hornedo, Timbreza, Abullad, at Co.”, ang napili ng mga hurado bilang pinakamahusay na thesis.

Nitong, Biyernes, sa Bulwagang Romualdez ng KWF, mismong si KWF President Virgilio S. Almario ang nag-abot kay De Leon ng P100,000 cash prize at plaque.