Japeth Aguilar of Ginebra San Miguel (MB photo | Alvin Kasiban)
Japeth Aguilar of Ginebra San Miguel (MB photo | Alvin Kasiban)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

4:30 n.h. -- Meralco vs Globalport

6:45 n.g. -- San Miguel Beer vs Ginebra

MISTULANG bundok ang kailangang akyatin ng tinaguriang crowd darling Barangay Ginebra San Miguel sa pagsabak kontra defending champion San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Tatangkain ng Kings na makaahon mula sa kinahulugang tatlong dikit na kabiguan sa pagtutuos nila ng Beermen na hindi pa nakakatikim ng pagkatalo matapos ang unang anim na laro ganap na 6:45 ngayong gabi.

Nauna ng nagkaroon ng suliranin ang Kings sa kanilang rotation matapos make-injured ang big man na si Joe Devance na mas lalong bumigat ng sumunod na mawala ang slotman na si Greg Slaughter.

Ang pagkaka-sideline ng dalawang nabanggit na manlalaro ang problemang di pa nahahanapan ng solusyon ni coach Tim Cone at siya ring itinuturing dahilan ng sunud -sunod nilang kabiguan pinakahuli sa kamay ng Phoenix Petroleum noong Biyernes sa iskor na 82-87.

Ano pa ‘t ang makakatunggali nila ngayon ay ang reigning champion at powerhouse SMB na inaasahang muling pangungunahan ng league 4-time MVP na si Junemar Fajardo.

Gayunman, umaasa ang kanilang mga fans na makikita sa Kings ang kanilang minahal na “never-say-die attitude” upang magawa nilang pigilin ang winning run ng Beermen.

Mauuna rito, kasalo ng Ginebra sa 4-way tie sa ikalimang puwesto taglay ang barahang 2-3, ang Blackwater.

Maghihiwalay naman ng landas ang magkatunggaling Meralco Bolts at Globalport sa kanilang paghaharap ganap na 4:30 ng hapon.