Ni Clemen Bautista

MAY anim na bayan sa Eastern o Silangang bahagi ng lalawigan ng Rizal. Isa na rito ang Baras. Ang limang iba pang bayan na magkakalapit ay ang Cardona, Morong, Tanay,Pillila at Jalajala na pawang nasa tabi ng Laguna de Bay.Tulad ng iba pang bayan at lungsod sa Rizal, ang nasabing anim na bayan ay narating na ng kaunlaran. Sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan, may mga public elementary, national high school at Universty of Rizal System (URS) campus ang nasabing mga bayan. Madaling puntahan sapagkat maayos, sementado at maluwang ang mga lansangan. Masipag ang mga mamamayan at may pagpapahalaga sa kanilang namanang mga tradisyon at kultura.

Ngayong huling Linggo ng malamig na Enero 28,2018, mahalaga at natatangi ang araw na ito sa mga mamamayan sa Baras, Rizal sapagkat magkasabay nilang ipinagdiriwang ang ika-97 anibersaryo at pagkakatatag ng Baras at ang kapistahan ng bayan at ng kanilang Patron Saint na si San Jose. Tampok na bahagi ng pagdiriwang ang concelebrated mass sa simbahan ng Baras na isa sa pinakamatandang simbahan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Baras,Rizal Mayor Kstherine Robles, ang unang babaeng nahalal na alkalde ng Baras, nitong nakaraang dalawang araw bago sumapit ang sabay na pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Baras at kapistahan, naglunsad na ng iba’t ibang activity o gawain ang pamahalaan bayan. Naging bahagi ng pagdiriwang ang mga timpalak sa pag-awit ng mga baguhan at mahusay na mang-aawit sa Baras na ginanap sa harap ng munisipyo. Sinundan ito ng “Gawad Parangal” sa mga natatanging guro sa public elementary at high school sa Baras. At kagabi, Enero 26, bisperas ng kapisatahan, masaya at matagumpay na ginawa ang taunang SERENATA ng mga banda ng musiko. Apat na banda ng musiko ang nagparada kabilang dito ang Rizal Provincial Capitol Band na handog ni Rizal Governor Rebecca Nini Ynares.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Baras, ayon sa kasaysayan ay dating isang barangay ng Tanay. Naging isang munisipalidad sa pamamagitan ng isang Executive Order No. 57 na nilagdaan ni Governor General Francis Burton noong Disyembre 24,1924. Mula noon ang mga mamamayan sa Baras ay nagpakita ng pagmamhal sa kaunlaran. Naging bahagi ng lalawigan ng Rizal noong Hunyo 11,1901.

At isa sa kanilang tradisyon na patuloy at hindi nalilimutanng bigyang-buhay at pagpapahalaga ay ang kapistahan ng bayan kasabay ang pagdiriwang ng pagkakatatag ng bayan ng Baras.

Ang Baras bago naging isang bayan ay itinatatag ng mga misyonerong Franciscano noong 1595 bilang Visita de Morong sa dakong timog ng Sitio Paenaaan. Sa kakulangan ng mga misyonero, walang pa ring mangasiwa sa Baras. Nagpatuloy sa pagiging Visita de Morong hanggang 1616. Inilipat na ng mga paring Franciscano ang pamamahala sa mga paring Heswita.

Ang unang simbahan sa Baras tulad ng mga simbahan sa eastern Rizal ay sinunog ng mga intsik na tumakas mula sa Maynila patungong Sierra Madre.

Noong 1682, sinimulan ang pagtatayo ng simbahan ng Baras sa lugar na kinalalagyan nito sa ngayon. Natapos ang simbahan noong 1686. Inialay ng mga paring Heswita kay San Jose na ginawa na rin Patron Saint ng Baras.

Ipinagdiriwang ang kapisatahan tuwing unang araw ng Mayo. Hanggang sa ngayon, ang simbahan ng Baras ay itinuturing na isa sa pinakamatandang simbahan sa Rizal. Ang simbahan sa Baras ay isa sa pinupuntahan ng mga katoliko mula sa kalapit-bayan at ng mga taga-Metro Manila tuwing Holy Week na nagsasagawa ng kanilang Via Crucis o Way of the Cross.

Dalawang salita ang pinaniniwalaan na pinagkunan ng pangalan ng Baras. Ang una’y hango sa salitang “Barahan” na ang kahulugan ay daungan (pritil) palibhasa’y malapit sa Laguna de Bay. Ang ikalawa’y hango sa apelyido (family name) ng isang pari na si Padre Pedro BARASohan. Siya’y kilala dahil sa kanyang kabutihan sa mga mamamayan. May nagsasabi naman na hango ang pangalan sa salitang BARAS, dalawang piraso ng kahoy na pinagsisingkawan ng kabayo upang mahila o lumakad o tumakbo ang kalesa. 

 Sa panahon ng Himagsikan, ang mga taga-Baras ay nagpamalas ng kagitingan at tapang sa pagmamahal sa kalayaan. Sumama sa pangkat ni Heneral Emilio Aguinaldo sa pakikipaglaban sa mga Kastila at Amerikano.

Ang mga taga-Baras, tulad ng mga Rizalenyo sa iba’t ibang bayan sa Rizal ay matibay at matapat ang pagpapahalaga sa kasaysayan at sa kanilang namanang mga tradisyon at kaugalian na bahagi na ng kultura ng mamamayan. Hindi nalilimutan bigyang-buhay at nagkakaisa sila sa pagdiriwang at pagpapahalaga.