Ni Dhel Nazario

Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na iwasan ang pagkakalat sa text message at sa social media ng mga nakakatakot na impormasyon hinggil sa umano’y nalalapit na lindol.

Ito ay kasunod ng kumalat na mensahe sa social media hinggil sa lindol na mararanasan umano sa Metro Manila, sa loob ng 100 kilometer fault line, na yayanig sa mga lalawigan ng Bulacan, Quezon, Rizal, Cavite at Laguna, at sa mga lungsod ng Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Muntinlupa.

Nakasaad sa mensahe: “Warning ng Phivolcs sa atin sa lindol na mararanasan sa Metro Manila. May 100 kilometrong fault line na sa kasalukuyan ay nasa Bulacan, Quezon City, Markina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Cavite at Laguna na kung saan ay maaaring maranasan ang intensity 7.1 na lindol.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi sa mensahe na asahan ng publiko ang 7.1 magnitude na lindol, kung saan tinatayang 30,000 katao ang mamamatay, at 100,000 ang masusugatan. Binanggit din dito ang pagkakaroon ng sistema, kung saan hinati-hati ng MMDA ang Metro Manila sa apat na grupo upang mapadali ang rescue operation.

Itinanggi ng MMDA ang mensahe at sinabi: “Please refrain from sending out information about earthquake prediction via sms and on social media. The MMDA and Phivolcs does not and will not relay information about having a prediction of an earthquake. Only refer to information provided by the authorities on verified social media channels.”