Ni Remy Umerez

ANG Bataan Freedom Run ay isa sa mga proyekto ng Veterans Bank na malapit sa puso ni Heart Evangelista, ang brand endorser ng bangko. Ginugunita nito ang katapangan at mga sakripisyo ng Filipino at American freedom fighters sa ika-76 anibersaryo ng Bataan Death March.

Sa ikalimang taon ng Freedom Run ay inaanyayahan ang running enthusiasts na tuntunin ang ruta ng makasaysayang Bataan Death March sa Bataan. Tampok ang mga sumusunod na kategorya: 42 full marathon, 21 kilometer half marathon at 10-5 kilometer

Para sa lahat ng uri ng runners kasama na ang bata at alagang hayop.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Samantala, unang idaraos ang Marivels-San Fernando-Caoas Freedom Trail sa Marso 24-25 mula sa Kilometer Zero sa Mariveles all the way hanggang Capas.

Sa paglulunsad ng twin events na ginanap sa Kamuning Bakery ay ipinagkaloob ng PVB ang proceeds ng Freedom Run noong nakarang taon na P517,153.54 kay Mr. Robert Hudson ng Filipino American Memorial Endowment Inc.(FAME) para sa restoration at pagtatayo ng WW11 historical markers.

Para sa mga karagdagang impormasyon, hinggil sa Bataan Freedom Run., visit www.bataanfreedomrun.ph.