Boston Celtics' Kyrie Irving, right, drives the ball against Golden State Warriors' Stephen Curry duringing the second half of an NBA basketball game Saturday, Jan. 27, 2018, in Oakland, Calif. (AP Photo/Ben Margot)

OAKLAND, California (AP) — Sinigurado ni Stephen Curry na hindi sila madadaig sa pagkakatong ito ng Boston Celtics sa Oracle Arena.

Nagsalansan ang two-time MVP at team captain sa All-Star Game ng season-high 49 puntos, tampok ang 13 sa huling 1:42 ng laro para sandigan ang Golden State Warriors sa 109-105 panalo kontra Celtics nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Naisalpak ni Curry ang go-ahead 3-pointer may 1:42 ang nalalabi at sinundan ng driving layup bago senelyuhan ang panalo sa walong free throws para sa ika-40 panalo ngayong season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagawang matalo ni Celtics ang Warriors sa teritoryo nito nitong Nov. 16, 92-88. Sa nakalipas na taon, hindi rin nakabawi ang Golden State sa Boston.

Nanguna si Kyrie Irving sa Boston sa naiskor na 37 puntos, tampok ang 13-for-18 shooting kabilang ang limang three-pointer, subalit nabigo siyang makakuha ng sapat na ayuda sa mga kasangga.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 20 puntos, siyam na rebounds para sa Warriors, habang kumana si Draymond Green ng 15 puntos,11 rebounds at limang assists.

NUGGETS 91, MAVS 89

Sa Denver, ginapi ng Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic na tumipa ng triple-double – 11 puntos, 16 rebounds at 11 assist – ang Dallas Mavericks.

Kumubra si Gary Harris ng 24 puntos para tulungan ang Denver na makabangon mula sa siyam na puntos na paghahabol sa fourth period.

Nanguna sa Dallas si Harrison Barnes na may 22 puntos, habang humugot si Dennis Smith Jr. ng 13 puntos, anim na rebounds at anim na assists sa Mavs na nabigo sa tatlong sunod na laro.

WOLVES 111, NETS 97

Sa Minneapolis, nagbalik aksiyon si Jimmy Butler para kumamada ng 21 puntos sa panalo ng Timberwolves kontra Brooklyn Nets.

Hataw si Karl-Anthony Towns ng 16 puntos at 19 rebounds para sa ika-43 career double-double.

Hindi nakalaro si Butler sa huling dalawang laban ng Wolvesm kabilang ang duwelo sa Warriors bunsod nang pamamaga ng kanang tuhod. Humirit si Andrew Wiggins ng 21 puntios at tumipa si Jamal Crawford ng 16 puntos para putulin ang two-game skid ng Minnesota.

Nanguna si Jahlil Okafor na may 21 puntos, habang umiskor si Nick Stauskas ng 15 fpuntos sa Nets, nabigo sa ikaanim na pagkakataon sa walong laro.

WIZARDS 129, HAWKS 104

Sa Atlanta, naisalba ng Washington Wizards ang pagkawala ni leading scorer John Wall para maihawla ang Hawks.

Nanguna si Markieff Morris na may season high 23 puntos.

Hindi naglaro si Wall, napili sa All-Star team reserve sa ikalimang pagkakataon, bunsod nang pamamaga ng kaliwang tuhod.

Kumikig din si Mike Scott na may 19 puntos, habang tumipa sina Bradley Beal at Otto Porter Jr. ng tig-18 puntos sa Washington.

Kumana ng tig-14 puntos sina Taurean Prince, Tyler Dorsey at Dewayne Dedmon para sa Atlanta.

Sumagitsit ang Wizards sa 11-2 run sa second quarter.

Sa iba pang laro, nagsalansan ng 24 puntos si Victor Oladipo para sandigan ang Indiana Pacers kontra Orlando Magic, 114-112; at tinutong ng Miami Heat ang Charlotte Hornets, 95-91.