Peter June Simon at Jeff Chan (PBA Images)
Peter June Simon at Jeff Chan (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

3:00 n.h. -- Blackwater vs Alaska

5:15 n.h. -- Magnolia vs TNT Katropa

PAG-AAGAWAN ng Magnolia Hotshots at TNT Katropa ang ikalawang posisyon sa kanilang pagtutuos ngayong gabi sa tampok na laro ng nakatakdang double header sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang magkasunod sa team standings ang Pambansang Manok at ang Katropa na nasa ikalawa at ikatlong puwesto ayon sa pagkakasunod.

Hawak ng Hotshots ang markang 4-1, habang taglay ng Katropa ang kartadang, 3-2, kasalo ng Alaska na lalaban naman sa Backwater sa unang laban ganap na 3:00 ng hapon.

Magtutuos ang dalawang koponan sa tampok na laban ganap na 5:15 ng hapon.

Inaasahan ni Katropa coach Nash Racela na magpapatuloy ang consistency na ipinapakita ng kanyang koponan na siyang susi sa natamo nilang dalawang sunod na tagumpay.

“We need to play consistently on both ends, “ pahayag ni Racela na muling sasandig kina Troy Rosario, Roger Pogoy, RR Garcia, Ryan Reyes at Jason Castro.

Gaya ng Katropa, hangad din ng Hotshots na maipagpatuloy ang naitalang 3-game winning streak na tinampukan ng 97-91 panalo nila noong Sabado kontra Phoenix.

Mauuna rito, inspirado sa naiposteng tatlong dikit na panalo na kinabibilangan ng 97-83 paggapi sa Ginebra noong nakaraang Linggo sa Antipolo, inaasahan ni Aces coach Alex Compton na magtutuluy -tuloy din ang magandang nilalaro ng kanyang team.

Magkukumahog namang bumangon mula sa malaking kabiguan na natamo sa Globalport ang Elite upang makaangat mula sa kinalagyang panglimang posisyon kasalo ang Batang Pier, at Meralco at ang mga me larong koponan kahapon na Rain or Shine, Phoenix at NLEX.