Ni Ina Hernando-Malipot

Simula na ngayong Sabado, Enero 27, ng isang-buwang early registration period para sa kindergarten, elementary, junior high school, at senior high school learners sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).

Upang paghandaan ang pagbubukas ng klase para sa school year (SY) 2018-2019, kinakailangang makiisa ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa sa maagang pagpaparehistro.

Base sa DepEd Order No. 25 series of 2017 o School Calendar for SY 2017-2018, itinakda ng DepEd ang early

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

registration mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong paaralan sa Enero 27-Pebrero 28, 2018.

Ayon sa DepEd, layunin nito “[to] reach the expected number of students” para sa darating na pasukan “to better prepare for and be able to address the possible issues and concerns” na haharapin ng kagawaran sa Hunyo 2018.

Sa early registration, layunin ng DepEd na masiguro na lahat ng limang taong gulang ay naka-enroll sa Kindergarten; upang masigurong ipagpapatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral; at upang i-record ang impormasyon para sa mga posibleng enrollees ng Alternative Learning System (ALS).