Nina Ben R. Rosario at Hannah L. Torregoza

Sa Kongreso pa rin ang pinal na desisyon sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, at hindi sa Presidential Consultative Commission (PCC), na binuo ni Pangulong Duterte upang busisiin at magrekomenda ng mga babaguhin sa Saligang Batas.

Ayon kina House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas Assistant Minority Leader at ABS Party-list Rep. Eugene De Vera, magsasagawa ng rekomendasyon ang consultative body na binubuo ng 19 na constitutional law expert at mga kilalang personalidad sa hudikatura, negosyo, at pulitika.

Ito ang nilinaw nina Fariñas at De Vera makaraang malugod na tanggapin ng mga pinuno ng Kamara de Representantes ang pagkakatatag ng komisyon.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

Pinuri rin kahapon ng mga senador ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng PCC, na pamumunuan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.

Bukod kay Puno, miyembro rin ng PCC sina dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr, dating SC Associate Justice Bienvenido Reyes, Radio Mindanao Network (RMN) founder Atty. Reuben Canoy, dating SC justice at dating Solicitor General Antonio Nachura Jr, dating dean ng De La Salle University College of Liberal Arts Julio Cabral Teehankee, at Fr. Ranhilio Aquino, dean ng San Beda College Graduate School of Law.