Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Dalawang barangay health worker ang nahaharap ngayon sa kasong sexual assault matapos nila umanong halayin ang isang 12-anyos na lalaking estudyante sa sementeryo ng Barangay Matayumtayum sa La Paz, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Batay sa report kahapon ni PO2 Carol Almazan, kinilalan ang mga suspek na sina Mark Lloyd Canasa, alyas “Mapoca”, 18; at Henry Mallari, alyas “Jamaica”, 30, kapwa residente sa nasabing barangay.

Nabatid na dakong 8:00 ng gabi at naglalaro ng basketball ang binatilyo kasama ang ilang kaklase nito nang ipinatawag umano ni Canasa, na hindi naman pinansin ng estudyante.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Habang pauwi ang biktima at mga kaklase nito ay hinarang sila ng mga suspek, tinangay ang binatilyo, at dinala sa sementeryo at doon umano halinhinang nagsagawa ng oras sex sa bata.

Patuloy pang iniimbestigahan ng La Paz Police ang insidente para mapanagot ang mga suspek.