Ni Light A. Nolasco
NAMPICUAN, Nueva Ecija - Nalambat ng pinagsanib na elemento ng Nampicuan Police Station at Guimba Police Station ang most wanted sa murder sa Nampicuan sa Barangay Saint John, nitong Miyerkules ng umaga.
Inaresto sa bisa ng arrest warrant si Dionisio Roxas y Rafael, 43, magsasaka, may asawa, at residente ng Bgy. Maeling, at walang inirekomendang piyansa para sa paglaya nito.
Si Roxas ay akusado sa kasong pagpatay noong Disyembre 28, 2016.